free web counter
has walked down my path

Friday, September 30, 2005

advent children;

astig!!!

kanina ko lang napanood ang ff7 advent children, at supra astig nya! ang ganda! the best ang graphics!

naaalala ko pag naglalaro ako ng rpg, tuwang tuwa ako pag may FMV, kasi para akong nanonood ng sine, eh eto, 1hour and 41 minutes na FMV! waaaah hehehe, ganda talaga!

yung mga fight scenes parang, whoa, ang ganda! basta sobrang ganda! must watch para sa mga ff7 fanatics hehe.

medyo may parts nga lang sa storyline na nalabuan ako. kasi yung ff7 na game mismo, hindi ako ganun kaaddict sa kanya, mas adik ako sa ff8, hehe... tapos ang tagal na nung last kong tinapos yung ff7, so limot ko na yung story nya... kaya yun. medyo hindi ko napag connect connect yung mga nangyari, hehe...

pero astig pa rin siya! ang ganda pa ni aeris! hehe... weeeheee!!!

sige, magpprogram muna ulit ako ng project!!!

macky traveled on - 11:42 PM
Comments (1)


Monday, September 26, 2005

blood;

hehe, wala naman talagang blood. trip ko lang. hihi...

kaninang gabi, nagsparring kami sa arnis! yeah! my favorite part of the training. medyo masakit nga thumb ko eh, pero ok lang! its part of training. hehe...

narealize ko kung gano na ako kahina sa arnis. haaay. 2 minutes lang yung round pero mga 3/4 pa lang ng round pagod na agad ako. grabe, back to zero ang endurance ko. tapos hirap ako magblock ng mga hataw, tsaka mahina na ulit footwork ko. bumagal na rin ako humataw.

dati nasasabayan ko pa yung pinsan ko (si drew) sa bilis ng hataw, ngayon di ko na kaya. waaaah... ang hina ko na sa arnis... T_T

this prompted me to train more, kelangan ko maibalik ung lakas at bilis ko ng medyo baguhan pa lang ako sa arnis! nananaba na rin ako! kelangan ko alisin tong tiyan ko! haaay...

TRAIN AND TRAIN HARDER, TRAIN LANG NG TRAIN!!!

i love arnis. hehe...

sige, magpprogram na ulit ako para sa cmsc21 project namin.. bbye!

macky traveled on - 11:20 PM
Comments (0)


Sunday, September 25, 2005

sunday morning;

its a sunday morning! pupunta ulit kami sa church!

kakapagod yung araw ko kahapon tsaka ng friday night... hehe... nung friday night, induction ng mga newest members ng arnis team. overnight swimming, videoke, at kung ano ano pa! hehe. tapos nun, paguwi ko ng sabado, natulog agad ako! nagising ako mga 2, tapos kumain ako ng lunch.

pagkatapos nun, may inayos ako sa pc ko ng saglit, tapos nanood ako ng 2 episodes ng naruto at 2 episodes ng ragnarok animation! astig talaga ng naruto! hehe. yung ragnarok animation ngayon ko lang napapanood to eh kasi hindi ako nanood ng pinapalabas siya sa 2. hehe...

tapos nun nagprogram na ako for cmsc21 project (hangman using C)... hanggang 12am ko ginagawa to, at user interface pa lang ang nagagawa ko, wala pang logic!

ang panget kasi ng C eh... haha!

anyway... malapit na ako maligo! matatapos na ata si mama eh. hehe. punta na kami sa church!

macky traveled on - 6:59 AM
Comments (0)


Friday, September 23, 2005

brand new arnisadors;

kaninang gabi, deliberations na ng incoming batch ng angkan ng mandirigma (arnis varsity), tapos bukas overnight, induction na nila! yipee, may bago nanamang batch ang magdudusa sa training ng arnis! hehe, joke lang... hindi na kami ang bunso batch ng angkan! hehehe. induction na bukas, saya saya hehe.

ang haba ng delibs! 11:15 pm na ng umalis ako dun kasi gabi na, pero hindi pa rin tapos! hehehe. madugo ang pagdedesisyon. ahihihi...

1 am na at nandito pa ako. kasi pagbalik ko sa bahay, inayos naman namin yung computer! kasi unang una, sira yung power supply nya. binilhan ko ng bago at kinabit sa PC. tapos inayos namin yung mga cords ng pc kasi nilipat ng lugar yung computer namin.

bakit kaya nilipat? kasi may katulong na kaming stay in! haha! andun na yung katulong sa kabilang room, yung dating room ng computer. ayun.

haaay, inaantok na ako! magpprogram pa sana ako ngayon eh, pero antok na ako kasi ala-una na. hehe. astig pala kasi katabi na ng kama ko yung computer! pwede ako magpatugtog ng mp3's before matulog!

sige, next time ulit! bukas ng umaga na lang ako magpprogram hehe... goodnight! good morning! god bless!

macky traveled on - 1:02 AM
Comments (0)


Monday, September 19, 2005

unlucky day... VERY unlucky...;

pagpasok ko pa lang ng umaga, may nadukutan na highschool girl ng cellphone. nakakatamad na ikwento ung details. nakakaawa lang talaga ung bata, iyak siya eh... eh katabi ko yung bata na yun, sumingit lang samin yung mandurukot. thank god hindi ako yung nadukutan..

tapos yun. the day went fine, wala masyadong hassles. natuwa pa nga ako kasi relatively mataas ang score ko sa cmsc21 2nd exam, hehe, higher kesa nung 1st exam. hihi...

tapos yun, nagtrain ako ng arnis. eto pa malas. madamot yung bagong nagbabantay ng baker hall (un ung parang "gym" ng UPLB)... usually, up to 9 ang baker talaga, ginagamit ng mga varsity, nagttrain. aba naman, 7:30 pa lang, pinatay na ni manong yung mga main na ilaw. so siyempre dumilim diba?

so imbes na sa 2nd floor kami nagtrain, pinagpatuloy namin ang training sa may baba. tapos yun, ng mga 8:30 pa lang, yung arnis team na lang yung nandun tsaka mga 3 other people. aba naman, si manong, pinaalis na kami??? gusto yata makauwi ng maaga. badtrip naman. palibhasa wala yung coach namin para ipagtanggol ang aming karapatan... hehe...

tapos yun. kumain muna ako before umuwi. ng pauwi na ako, dumaan muna ako sa mercury drug kasi ubos na yung high endurance ko. babdtrip talaga, isa lang naman ang bibilhin ko pero ang haba haba ng pila. badtrip talaga. asar.

tapos lumabas na ako sa tapat ng mercury drug para maghintay ng jeep pa calamba. aba, ang tagal tagal ko din naghintay dun. siyempre, nakasakay ako ng jeep. nagpagas yung jeep. guess what? oo, ang daming nagpapagas sa shell. matagal pa yung pagpapagas ng jeep kesa dun sa travel time ko mismo. BADTRIP TALAGA! pauwi na lang ako nangyari pa lahat ng kamalasan sakin.

yun, nakauwi na rin ako. sa compund kami nakatira. pagdating ko... sarado na yung gate ng compund.

saya no? yun. naghintay pa ako ng few minutes bago ako pagbuksan ni papa. e di masaya na ako kasi nakarating din ako *sa wakas*... tapos yun. nagpakuha sakin si papa ng shorts at si mama ng jacket. e di kuha naman ako. tapos yun pala, mali ang jacket na nakuha ko para kay mama. e di kinuha ko ulit. aba, bigla ba naman akong sinigawan??? kesyo galit daw agad ako nautusan lang. tapos e di tumama yung mga tali ng jacket sa pinto, nagdadabog daw ako?????????????

grabe talaga. whew... nakakapang init ng ulo??? pagod ako mula training. kaya siguro nya nasabi na galit ako kasi nakangibit ang muka ko kasi masakit paa ko. pero asar pa rin. tama ba na magalit na lang ng bigla sakin??? haaay...

tapos nagpunta ako sa PC. chineck ko yung ilaw ng DSL namin. aba. hindi nagbblink yung activity LED. walang connection. nagbbot kasi ako ng ragnarok eh. yung pc ko yung naglalaro para sakin. etong PLDT na to, napaka unsatisfactory talaga ng service. palibhasa walang kumpitensya.

kagabi pa to nagddisconnect na lang bigla tapos biglang magrereconnect. o kitam, ayan nananan, namatay nanaman yung dsl. badtrip. tapos may mga instances na magddisconnect siya, tapos hindi na magrereconnect. kelangan imanual. e pano kung wala ako??? e di hindi siya macoconnect??? pano na yung bot ko at dinadownload ko??? nakabukas ang pc ko magdamag para magDL at magbot, tas bigla na lang titigil dahil sa PLDT???

badtrip kayo PLDT *oh, ayan nanaman! DC nanaman! !@$%@#* ayusin nyo service nyo. palibhasa monopolized nyo ang industry, hindi na kayo nagiimprove. >.< badtrip ang PLDT.

lahat na lang ng kamalasan nangyari sakin sa paguwi ko. yan tuloy, tinatamad na ako gumawa ng reaction paper. nasira na ang gabi ko. balak ko pa man din gumawa ngayon para wala na problema. bukas na lang ako ng madaling araw gagawa. pero ittry ko muna ngayon kung kaya pa ng utak ko after ng mga kamalasang nangyari sakin... DC NANAMAN YUNG PLDT!!!!

asar!!!! badtrip!!! waaaaaaaah!!! gusto ko ulit mag arnis!!!! waaaaaah!!!! magvvent out ako ng galit ko sa mundo!!!!

eto na yung DC na sinasabi ko. yung kailangan imanual para magconnect ulit. lagi na lang naiinterrupt yung bots ko at yung downloads ko dahil dito sa DC ng pldt na halos EVERY 3 MINUTES. nagbabayad kami dito ng P 1995/month para sa quality service, hindi yung ganito! grrrr...

ewan ko! sige na! diyan na kayo! babay! grrrrr...

macky traveled on - 10:16 PM
Comments (0)


Sunday, September 18, 2005

mahilig ka ba sa naruto;

hehe, pang ilang beses ko na kinuha tong test na to at si shikamaru talaga lagi ang nakukuha ko hehe...

naruto
Which Naruto Character Are You?
Test by naruto - kun.com


astig! favorite ko din kasi siyang character sa naruto eh! hehe...

macky traveled on - 11:08 PM
Comments (0)


orange and lemons;

ako ay currently nakikinig sa mga songs ng orange and lemons. hehe, nakkyutan lang kasi ako.

may mga assignments pa rin ako as usual, pero tinatamad ako gumawa. gusto ko magtrain bukas, at para makapagtrain ako bukas, kelangan ko na gawin mga assignments ko ngayon. kaso tinatamad ako. sana sipagin ako. hehe.

nakakapagod talaga ang linggo ko, pero ayos lang rin. its worth it. tsaka god is giving me strength to do my duties to god as well as my academic duties. hehe.

gusto ko sana sumali sa guitar lessons dun sa church na inaattendan namin. ang galing kasi ni brother denny *
ewan ko kung tama ang spelling* mag gitara eh, tapos magpapalessons siya. kaso ang problema, for regular members lang. eh di pa kami "registered" members nung church. regular attendees lang. kaya yun... awww...

ang galing talaga nya mag gitara! nung youth camp ko nung summer, astig talaga, habang may ginagawa kaming activity, tumutugtog lang siya sa background. tapos ang galing, para akong nakikinig sa isang cd! kamangha mangha talaga, parang extension na nya yung gitara mismo. gusto ko din matuto tumugtog ng ganun!

haaay... sige, gagawa muna ako ng mga homeworks. sana hindi ako makatulog ng maaga. hehe...

macky traveled on - 9:31 PM
Comments (4)


Saturday, September 17, 2005

detours;

buong araw akong nasa calamba, sa bahay ng lola ko. hehe. wala kasing tubig dito sa bahay kahapon, e usually, nakikiligo kami doon sa bahay ng lola at mga tita ko. kaninang umaga, wala pa ring tubig dito sa bahay.

original plan: punta sa bahay ng lola ko ng umaga, makiligo, tapos uwi na rin agad.

nangyari: punta sa bahay ng lola ko ng umaga, makiligo, tumambay, maglinis ng kotse, maligo ulit, tapos uwi ng hapon.

hehe. pero ok lang, enjoy din naman dun eh. ang dami ko kasi pinsan dun, e wala ako kapatid. at least marami ako kasama kanina hehe...

nung umaga pa lang, 6:30 kami umalis sa bahay namin. driving from los banos to calamba usually takes 20-25 minutes. travel time namin kanina: 1 hour 15 minutes. badtrip, dahil sa lakas ng ulan kagabi, may na uproot na MALAKING puno ng mangga sa tabi ng daan, at hindi ko alam kung pano nangyari un, haha... sa laki ng mangga, sakop nya kalahati ng daan. so ano pa ba mangyayari? e di traffic jam... hehehe... tapos yun.

wala nga akong nagawang assignment ngayong araw na to eh! nagprogram lang ako pagbalik ko, pero yung math ko hindi ko pa nagagawa. hehe. haaay...

frustrated ako sa math ko ngayon... badtrip. hindi ko na yata mai-uuno yung math27. grrr asar talaga. kasi may long exam ako na mababa. badtrip talaga!!! kung hindi lang dahil dun, mataas sana midterm standing ko. ayoko, noooo... hindi pwede na hindi ko ma-uno ang math! hindi naman ako nagyayabang, pero favorite subject ko lang talaga ang math. kayo ba, diba pag favorite nyo ang isang subject gusto nyo mataas ang makuha nyo dun, diba??? badtrip talaga... simula ngayon gagalingan ko na talaga!!! kahit 1.25 lang ayos na sakin! haaay... badtrip!!!

senxa na... hehe... naalala ko kasi yung math ko eh. hehe.

o siya, gagawa na siguro ako ng mga kelangan kong gawin. hehe... sa uulitin ulit!

macky traveled on - 9:28 PM
Comments (0)


Friday, September 16, 2005

a few moments of rest;

yes! friday na naman! yahoo! pahinga ulit ako mula sa hectic kong week!

happy ako kasi nagawa ko yung 2 programs na ginawa ko kagabi! simple lang naman sila, pero dahil di pa ako magaling, nahirapan ako! yung isa kasi dun, bonus. +3 sa final grade. sayang din naman kaya ginawa ko na! kung gusto nyo tingnan, eto siya. http://www.freewebs.com/mokmoki
pasensiya na sa mga pro na, hehe, bulok lang yan! ahihihi...

haaay... makakapagpahinga na ako sa wakas. for a while... next week panibagong set ng pahirap nanaman to! hehe. ok lang, nakakayanan ko to kasi i get all of my strength from god! kung wala siya, naku, di ako makakapag aral! baka nga di pa ako sipagin gumawa ng kahit ano eh! talagang sa kanya lang ako umaasa... :D

ano kaya ang gagawin ko ngayong gabi? naiisip ko sisimulan ko na yung mga projects ko. 2 projects kasi yun eh, at mahirap na kung icram ko pa yun. hehe...

tinatamad na ako magsulat, gusto ko muna i enjoy yung "free time" ko in the mean time. hehe. next time na lang ulit! :D:D:D

macky traveled on - 9:04 PM
Comments (1)


Thursday, September 15, 2005

im already sleepy;

katatapos ko lang magexam sa CMSC57 (discrete mathematical structures in computer science)... talagang binuo eh no??? tapos pagod na ako. kadarating ko lang sa bahay. past 10 na...

inaantok na ako pero kelangan ko pa rin gumawa ng 2 programs for comsci 22, to be submitted tomorrow, yung isa before 12 pm, yung isa, kelangan ipublish sa net yung work. in one program, i'm supposed to create my own version of the account registration page ng friendster, tapos yung kailangan ipublish, kelangan ko gumawa ng program na nagccompute ng body mass index (BMI) eklat and stuff... yun... buti na lang 1 lang klase ko bukas, at 12-1 lang yun... haaay...

wala ako masyado masspare na time kasi mahabang coding / debugging to. pero wala akong magagawa, i chose this course, tsaka i expect na ganito lang ang trabaho ko habang buhay. pero at least naeenjoy ko yung ginagawa ko diba??? mahilig talaga ako magprogram, kaya kahit mahirap yung kailangan ko iprogram, hindi ako masyado nawawalan ng loob kasi nagugustuhan ko naman yung ginagawa ko eh... practice na rin to kasi siguradong walang laban ang mga gagawin ko dito sa college compared sa mga challenges na gagawin ko outside. hehe...

alam nyo ba, simula pagkabata ko, iba iba ang dream jobs ko. nung una, sobrang amazed ako sa heavenly bodies *hep hep hep, ang utak!* kaya ang pangarap ko dati, maging astronaut. ayos no? hehe. tapos next naman, ng medyo tumanda na ako, namangha naman ako sa mga dinosaurs, so naging pangarap ko maging paleontologist. layo no? yung isa, papalayo from the planet earth, yung isa papasok pa ng planet earth! hehe. tapos naisip ko naman na gusto ko maging doctor. di ko alam kung bakit. hehe. pero ito na ang bagsak ko ngayon. BS ComSci. programmer. hehe. sa tingin ko, ito na talaga ang final answer ko about sa future ko! hehe. pangarap kong maging isang GAME DEVELOPER ng mga games na sobrang astig. hehe. gusto ko gumawa ng RPG's kasi mahilig ako maglaro ng RPG. o kaya naman, ng RTS, kasi mahilig din ako sa RTS. hehe. basta astig na laro! hehehe...

haaay... bago pa ako tuluyang antukin ay sisimulan ko na yung mga kelangan ko gawin...

nga pala, di ako pro na blogger so... may tanong muna ako... pano ako maglalagay ng picture sa profile ko??? dun sa about me??? salamats! tapos... yun lang muna! sige, bbye na! goodnight!

macky traveled on - 10:08 PM
Comments (0)


Wednesday, September 14, 2005

WASTED;

waaaaah!!! matagal na akong hindi nakakapagpost dito! hehe... as usual, tinatamad lang ako! but wait, there's more! *boses nagbebenta sa TV shopping* for a few months na akong 2loy 2loy ang exams, minimum of 1 a week. tapos lahat sila gabi except yung sa mga GE courses ko. grabe.. nakakapagod. guess this is college life... parang nung high school, yung transition from first to second year ang pinakamahirap kasi nasanay akong madali nung 1st year, tas biglang hihirap ng 2nd year, hehe. same thing here. ang dali nung first year, pero ngayon mahirap na. waaah...

may exam pa ako bukas sa CMSC57 at quiz s CMSC21 (tama ka, comsci ang course ko) hehe... at hindi pa ako nakakapag aral para sa exam ko. tapos bukas, magpprogram ako ng 2 programs, deadline sa friday... waaaah... buti na lang yung isa bonus, so 1 lang talaga ang kelangan ko gawin *pero gagawin ko pa rin yung isa*... pagod na ako gusto ko na magsembreak. nung isang araw lang wala ako halos tulog dahil gumawa ako ng report sa NASC5. paimportante talaga yang nasc5 na yan! grrr...

napapagod na ako. i'm wasted. pero kailangan. tiis tiis muna.

nakakatawa pa, kahit stressed ako sa acads, hindi ako pumapayat! hehe, baliktad pa, lumolobo pa ako! hehe. mas mahirap pa rin talaga yung high school ko kasi doon, araw araw puyat. tapos malayo pa ako sa bahay, so hindi na nga lutong bahay na masarap ang nakakain ko, minsan kulang pa sa supply ng pagkain ko sa dorm! kaya ang payat ko relatively nung high school eh, stressed na nga lagi, hindi pa ako madalas kumain! hehe... dito kain ako ng kain eh, hehe, sarap kasi lutong bahay.

miss ko na talaga ang high school! kahit sobrang hirap ng buhay don, ang saya saya pa rin! lalo na kung dormer ka, hehe. andun ang mga barkada kong mga tarantado eh! parang araw araw ka na lang halakhak ng halakhak, gulong sa sahig, tawanan to the max! hehe, di ko na nagagawa yun dito eh, kasi hindi na ako nakadorm. haaay...

ang dami kong namimiss ngayon... hehe...

pero...

i need to go back to work! hehe... simula ngayon, sobrang mas madami na akong gagawin dahil malapit na matapos ang sem, at may 2 projects akong issubmit. CMSC21 at 22 (C at Java yan)...

expect more posts from me kasi maglalabas ako ng sama ng loob ko dito sa upcoming SUPER HECTIC weeks ko!!! babay na!!!

macky traveled on - 11:04 PM
Comments (0)


the traveller


Name: Macky Agarrado
Walked since: 12th May 1988
Walked with Jesus since:
18th Apr 2005
Walks in: Los Banos, Laguna

tagboard


past roads

[x]April 2005
[x]May 2005
[x]July 2005
[x]September 2005
[x]October 2005
[x]February 2006
[x]March 2006
[x]April 2006
[x]May 2006
[x]June 2006
[x]July 2006
[x]August 2006
[x]September 2006
[x]October 2006
[x]November 2006
[x]December 2006
[x]January 2007
[x]February 2007
[x]March 2007
[x]May 2007
[x]June 2007
[x]July 2007
[x]August 2007
[x]September 2007
[x]October 2007
[x]November 2007
[x]December 2007

other paths

ate punky
aei
drew
isay
jef
leo
mikka
paransis
poy
kuya chard

credits

design by chris
cbox
blogger
blogskins
freeweblogger