free web counter
has walked down my path

Wednesday, April 27, 2005

the return of the come back;

namiss nyo ko no? (tgsh! kablam! kapow! whapakk!!! potek, ang kapal!) matagal na akong hindi nagparamdam eh. wala lang. madami sana akong naikwento sa tinagal kong hindi nagpost, kaso... sa sobra kasing nakakatamad ng bakasyon eh tinamad na rin ako gumawa ng entry, na supposed to be ay magiging gawain ko kapag tinatamad ako... well, ganyan talaga ang epekto ng summer vacation sa akin. abnormal ako eh, kapag may klase/pasok, ang gusto ko magbakasyon na. kapag naman bakasyon na, gusto ko na magklase.

o ako nga lang ba? hmmm, *nag-iisip*, sa tingin ko hinde. lahat yata ng mga studyante ganun eh. bakit kaya? alam nyo ba? ako hindi ko alam eh. hmmm... *nag-isip nanaman* (aba, mukhang nagagamit ko ata ang isip ko! hehehehe...) lahat yata ng kilala ko ganun. meron kaya itong kinalaman sa SELFISH NATURE ng lahat ng mga tao? hep-hep-hep! wag ka na magdeny kasi sigurado may ganyan ka din! ang taong makapagsasabing hindi talaga siya selfish at wala siyang bahid ng pagiging shellfish, ah este, selfish, ay maaring magpost sa tagboard ko para magprotesta. pero... (PARENTAL GUIDANCE: the following scenes may not be suitable for very young audiences. parental guidance is recommended)... tamaan ka sana ng kidlat, lamunin ka sana ng lupa sa ilalim mo, gulungan ka sana ng malaking bato, masagasaan ka sana ng 18-wheeler truck, kainin ka sana ng polar bear, malaglag ka sana sa bangin, wag sana magbukas ang parachute sa likod mo habang nagssky-dive ka, pumutok sana ang bundok makiling habang namumundok kayo doon (wag, andun bahay namin), ma-food poison ka sana sa susunod na fishball na kakainin mo... baket??? ang lakas mo magjoke! hehehe... (PAALALA LANG PO: ang nagsulat ng mga bantang nakasaad sa taas ay nagBIBIRO lamang. wag niyo po sanang personalin ang mga nasabing banta. maraming salamat po.) sa totoo kasi, ang mga tao, laging gusto yung mga bagay na wala pa siya.

o ano, magpprotesta ka pa? ano ba mga pangarap mo? hmmm, tulungan na kita mag-isip. siguro... pangarap mo magkaron ng kotse? o kaya... ng sariling bahay mo? haws en lat?? o kaya... pangarap mong makapag around the world in 80 days? o kaya... magkaron ng pinaka hi-tech na celphone sa balat ng lupa? yung tipong di ka na pipindot para magtext, mind-reading! automatic! o kaya... magkaron ng sobrang hotchick na asawa??? (kung lalake ka. o kaya kung tibo ka pwede na rin...) o kaya... gusto mong makapag round trip to the moon? o baka mas gusto mo sa mars? o kaya, gusto mong makadiskobre ng gamot sa AIDS? para sikat ka! o kaya... gusto mong maging presidente ng pilipinas? hari ng mundo? hep hep hep, wag mo nang pangarapin yun, dahil ang trono ng mundong ito ay naka'y satanas pa. hawak pa niya ang mundo ngayon. wag ka mag-alala, babagsak din siya! o kaya... basta! masyado na ata mahaba eh...

diba ang mga pangarap natin ay yung mga bagay na wala pa sa atin? malamang, kaya nga pangarap eh. e di kung nasa atin na yun, di na pangarap yun! dream come true na tawag dun! hehe. anyway... hinahangad talaga ng mga tao ang mga bagay na wala sa kanya. kaya... naisip ko na baka may kinalaman dun ang behavior ng mga studyante. hehe. o baka naman nakakatamad talaga ang schooling... nakakatamad mag aral sa pasukan. o kaya naman, nakakatamad ang bakasyon bako magpasukan! basta, weirdo.

at dahil tinatamad ako, naisipan kong manood muna ng koreanovela. curious lang. at naaliw ako sa full house, nababanuan nga lang ako sa pagdub. pero may substance kasi kwento nya. so ang ginawa ko ay dinownload ko lahat ng 16 episodes, 1 hour each, ng full house. at dun ko siya pinapanood, english subtitles. nakakatuwa! hehe. mas may sense yung kwento nya kesa sa mga typical pinoy telenovela plots. na sobrang panget. no offense meant, i am entitled to my own personal opinions. hehe. basta, yun yung pinagkakaabalahan ko ngayong bakasyon. at kasalukuyan kong dinadownload ang episode 16 ng full house ngayon! kahit di ko siya nasimulan sa GMA, mukhang sasabayan ko pa tapusin ang full house sa GMA. hehe. wala lang. nga pala, magaadvertise na rin ako. kung malapit kayo sa los banos laguna at gusto nyo ng kopya ng full house, sakin na lang kayo paburn. may kasama pang OST ng full house un. hehe... pagusapan natin ang presyo. wala lang. natuwa lang talaga ako. para kasing my sassy girl eh! e favorite ko yun. kaya natuwa ako! hehe. sige na, jologs na kung jologs. pero may sense sya, at natutuwa ako! hehehehe... wala lang. ayown. yesh...

haay... tinatamad na yata ako magtype. sige, magbabasa muna ako ng games master. hehe. manonood ng full house episode 6 ang nanay ko dito sa pc eh. naadik na rin siya, nahawa sa akin. wahahaha! sige, sa uulitin!



macky traveled on - 10:41 PM
Comments (0)


Wednesday, April 13, 2005

ikaw, mahilig ka ba mag-aral?;

first post ko. haha. naisipan ko lang gumawa. ang boring na kasi ng bakasyon eh.

ngayon ko lang naramdaman ang bakasyon kasi ngayon ko lang nakuha lahat ng grades ko. at salamat sa diyos at maayos ang kinalabasan. buong 2nd sem ko sa UP, feeling ko hindi ako nag-aral. kung nag-aral man ako, saglit lang. para sa quiz o kaya exam. hindi ako yung tipong nagbubuklat ng notes gabi gabi, nirereview yung previous lessons at naga-advanced reading para sa kinabukasan. basta kung kelan kelangan aralin ang dapat aralin, ayun, saka ako magaaral. at pinapasadahan ko lang.

ganun lang talaga ako.

pero di yan maintindihan ng mga magulang ko... gusto lagi nakikita ako nagaaral, gusto lagi mataas ang dapat kong makuha. wala naman masama dun eh, pero... style ko yun eh, ganun talaga ako. di ako pala-aral, pero ayaw pa rin nila maniwala. bahala sila, sa tinagal-tagal na nila akong nakikita, di pa rin nila ako kilala..

bakit ganun ang mga tao?? gusto lagi mataas ang makuha na marka? at ang ayos pa dito, iba-iba ang mga para-paraan nila sa pagkuha nito. may mga tao na mag-aaral magdamag, para makakuha ng uno sa mga subject nila. wala ng inatupag kundi mag-aral. kulang na lang eh isalaksak na nila ang mga libro nila sa utak nila.

may mga tao rin naman na kahit ano gagawin para lang sa marka. may mga tao na... nandadaya para makataas ng grade. minsan umaabot pa sa pagbebenta ng dangal at kaluluwa para lang sa grade.

ewan ko ba sa mga taong ganito. ano bang pumapasok sa kokote nila??? kung sabagay, ayos lang mag-asam ng mataas na grade. pero para sakin, hindi lang naman grades ang importante sa buhay. hindi diyan nasusukat ang natututunan ng isang tao. may makikita kang mga taong matataas ang mga marka sa eskwela, pagdating sa mga simpleng problema sa buhay, hindi nila magawa-gawa, di maayos-ayos. may mga tao na mababa ang nakukuha na marka pero kapag tinanong mo naman tungkol sa subject na yun, alam ang sagot. ewan ko ba. magulo lang talaga ang mundo.

ayos lang maghangad ng mataas na grade. pero siguraduhin mo na hindi lang grade ang habol mo. don't be in it just for the grade, be in it for the learning.
importanteng isipin yan sa pag-aaral. at ikaw na ang bahala kung pano ka mag-aaral. kanya-kanyang style lang yan.




at inaantok na ako... ^^

macky traveled on - 12:21 AM
Comments (4)


the traveller


Name: Macky Agarrado
Walked since: 12th May 1988
Walked with Jesus since:
18th Apr 2005
Walks in: Los Banos, Laguna

tagboard


past roads

[x]April 2005
[x]May 2005
[x]July 2005
[x]September 2005
[x]October 2005
[x]February 2006
[x]March 2006
[x]April 2006
[x]May 2006
[x]June 2006
[x]July 2006
[x]August 2006
[x]September 2006
[x]October 2006
[x]November 2006
[x]December 2006
[x]January 2007
[x]February 2007
[x]March 2007
[x]May 2007
[x]June 2007
[x]July 2007
[x]August 2007
[x]September 2007
[x]October 2007
[x]November 2007
[x]December 2007

other paths

ate punky
aei
drew
isay
jef
leo
mikka
paransis
poy
kuya chard

credits

design by chris
cbox
blogger
blogskins
freeweblogger