![]() has walked down my path |
Thursday, October 20, 2005 yes! tapos na ang first sem ng 2nd year ko sa uplb! yahoo! hehe...
katatapos lang ng defense ko kanina sa project ko sa comsci 22! yehey! nakakapagod yung last 2 weeks ko sa sem na to... nung week before last ata, yun ung may exam spree ako. nakakapagod ng utak! gabi gabi simula wednesday hanggang friday, tapos nung friday pa, nagbrownout before kami mag exam sa math27. tapos sabado naman stat! kinabahan talaga ako dun kasi akala ko hindi ako papasa sa prefinal exam! kaya kayo, wag kayo magexam sa stat ng wala kayong saulo kahit isang formula ha? kasi ganun ginawa ko. yun, tepok siguro score ko dun sa stat... last week naman, hanggang kanina, puro project naman ang inaatupag ko. ang hirap pala talaga ng buhay comsci! lalo na kung hindi mo pa hilig ang ginagawa mo. buti na lang ako, hilig ko talaga yung comsci, hehe... bumaba ang grades ko this sem. siguro kasi mas lalo ako tumamad. tsaka isa pa, mahirap talaga. hehe... yung math27 ko 1.5 lang (26 is 1.0), tapos yung cmsc57 ko 1.75 nalang (56 is 1.5)... although un pa lang ang coinfirmed grades ko, nararamdaman ko na bumaba rin yung iba kong subjects. hehe... next sem talaga, gagalingan ko na! lagi ko na lang naririnig sa sarili ko 'to, pero hindi ko alam kung kailan talaga siya gagana. kahit nung highschool ako, ganyan na ganyan din mga linya ko! except yung sem, kasi wala naman sem nung high school eh. hehe. feeling ko tuloy, cramming lang ang naituro sakin ng pisay kasi yun lang ang naiaapply ko. pero pag napag isip isip ko, hindi naman... marami rin naitulong sakin ang pisay. ika nga, may headstart kami sa college. hindi na ako nabigla sa up, kasi nung highschool, pinahirapan na kami for our age. mga pangcollege na rin yung mga tinuturo samin eh! hehe. malaking tulong na un. hehe. pero marami rin disadvantage ito. una kasi, ayokong malaman ng mga tao kung sang school ako galing. pagka kasi nalaman na nila, hahangaan ka nila, tapos ang laki na ng ineexpect nila sayo! hehe. kaya di ko sinasabi. pero pag nalaman lang nila basta, ano pa ba magagawa ko diba? haaay, ang sarap ng feeling na wala munang gagawin! hehe, next sem na lang ulit! hihihi... sige, manonood muna ako ng naruto, ay, ragnarok na lang pala. hehe. napanood ko na ang last episode ng naruto eh, naghihintay na lang ako lumabas yung kasunod na episode. nagddownload lang kasi ako, hehe... sige, sa uulitin na lang! macky
traveled on - 12:12 AM
Comments (0) |
the traveller
![]() Name: Macky Agarrado Walked since: 12th May 1988 Walked with Jesus since: 18th Apr 2005 Walks in: Los Banos, Laguna tagboard
past roads
[x]April 2005
other paths
ate punky credits design by
chris |