free web counter
has walked down my path

Monday, May 02, 2005

haay...;

wala lang... ako ay kasalukuyang may sakit. ewan ko kung ano. nung 1 araw akala ko tonsilitis, pero sa tingin ko, hindi. baka trangakaso, pano ba naman, these past few days, ang init init init init ng araw. tapos biglang uulan. ano kaya yun? three times ata yun nangyari dito sa los banos.

weirdo ng pakiramdam ko. sobra akong pinapawisan pero giniginaw ako. lahat naman ng nilalagnat ganun diba? oh well... wala lang akong magawa ngayon. kasalukuyan akong naadik sa gunbound (GB), kasi natapos ko na panoorin yung full house. sabay nga kami ng gma natapos. hehe. maaring may nagtataka sa inyo bakit hindi ako naglalaro ng GB ngayon? kasi tulog pa yata lahat ng mga manlalaro nito. walang ka tao tao. haha wala lang... kaya naisipan ko muna magpost.

ang hirap ng may sakit, napaka uncomfortable. pero meron din naman tong advantages. pag ayos naman ang pakiramdam ko, pero tinatamad ako gumawa ng mga gawaing bahay, aarte lang ako na masama ang pakiramdam, hehe. o diba, takas trabaho! minsan ipagtitimpla ka pa ng milo! hehe. pero, masama talaga pakiramdam ko ngayon. tuloy tuloy nga pawis ko eh, baka umeepekto na yung biogesic. hehe.

sinisipon pa ako. nakakairita. ang panget ng boses ko. minsan sumasakit pa ulo ko. haay... bakit ako nasa computer ngayon? wala lang! isa to sa mga bagay na hindi ako mabubuhay kapag nawala sa akin. hehe. babad pc ako ngayon buong bakasyon. waaah...

nga pala! malapit na birthday ko! regalo ko ha! hehe....

parang ang bilis ng oras. di ko namamalayan birthday ko na pala ulit. wala na kasi masyado halaga ang berde ko sa akin eh. parang... wala lang! di tulad ng bata pa ako. nagccountdown pa ako! tapos kinakantahan ko pa ng hapi berde ang sarili ko. mukha akong timang. haha! tapos excited ka pag berde mo na kasi may mga gifts! hehe. tapos ng 7 years old ako, sa jollibee pa ko nag-berde, haha! tuwang tuwa ang bata...

pero ngayon, wala lang... green ko na. ayun. yun lang. wala lang! hehe. its just another day, except mas marami ang pagkain, may ice cream at cake na kadalasa'y wala sa usual ref namin. hehe. sino nga ba ang may mga berde pa ng may... si blessie nga pala ka-green ko. tapos si leoo, may 10 ata.. si jeff sin may din eh. di ko lang maalala. hmmm... wala lang!

o siya, dadagdagan ko muna almusal ko bukod sa milo na ininom ko! hehe. sana malasahan ko. kahit fried chicken hindi ko maenjoy eh. walang lasa. sige, sa uulitin mga kids!

macky traveled on - 6:53 AM
Comments (1)


the traveller


Name: Macky Agarrado
Walked since: 12th May 1988
Walked with Jesus since:
18th Apr 2005
Walks in: Los Banos, Laguna

tagboard


past roads

[x]April 2005
[x]May 2005
[x]July 2005
[x]September 2005
[x]October 2005
[x]February 2006
[x]March 2006
[x]April 2006
[x]May 2006
[x]June 2006
[x]July 2006
[x]August 2006
[x]September 2006
[x]October 2006
[x]November 2006
[x]December 2006
[x]January 2007
[x]February 2007
[x]March 2007
[x]May 2007
[x]June 2007
[x]July 2007
[x]August 2007
[x]September 2007
[x]October 2007
[x]November 2007
[x]December 2007

other paths

ate punky
aei
drew
isay
jef
leo
mikka
paransis
poy
kuya chard

credits

design by chris
cbox
blogger
blogskins
freeweblogger