free web counter
has walked down my path

Wednesday, May 04, 2005

bored like hell. still not feeling well;

ako si clark kent! nyahahaha! *asa ka boy*

alam nyo kung ano ang favorite show ko?? naiisip nyo ba??? ah, baka sabihin nyo full house eh. iba pa dun! hehe. yung tipong hindi na kailangan ng subtitles. alam niyo na? SMALLVILLE!

nung una kong narinig yung title ng smallville, hindi ako interesado kasi ang panget ng title nya. tsakaaa, hindi ko pa alam noon na smallville pala yung hometown ni superman kaya di ko pinansin. before smallville, all i know was that superman was some incredible guy flying and kicking the bad guys' asses. at isa pa, ayaw kong nanonood ng series na hindi ko nasimulan.

take full house as an example. matagal na sinasabi sakin ni gracey na panuorin ko, masaya daw talaga full house, hindi ko pinanood kasi in the first place hindi ko nasimulan. tsaka plus factor din yung dubbing na tagalog. kahit sa anime ultimate turn off sakin yun. except for a few na mapagttiyagaan. bearable pa yung sa anime eh, pero yung sa mga telenovela, di ko talaga kaya. pero ng napanood ko na yung dinownload ko na subtitled version, natuwa ako kasi nasimulan ko yung story, at the same time, NO DUBS.

anyway, kaya yun, hindi ko pinapanood ang smallville dahil hindi ko nasimulan. pero ng nahiram ko yung complete season 1 dvd kay mikko sa dorm, 1st episode pa lang, napa-whoa na ako. at yun. mula season 1 hanggang gitna ng season 3, pinanood ko sa dorm. nakakaadik talaga grabe as in sobra pare (hinde ako lasheng ha... ^^). basta yun! sobrang naadik na ako sa smallville. hehe.

hindi pa nga pala ako magaling sa sakit ko. kaya kanina, buong araw, nag-SMALLVILLE MARATHON ako. mula pag-gising ko, hanggang kaninang mga 10. hehe. adik no? nagsimula yata ako halfway ng season 3 hanggang dulo (episode 13 - 22 ata), at episode 1 ng season 4 (nakadownload na ako hanggang ep12 ng season4). 45 mins each episode ang smallville. you do the math. basta, buong araw ako nanonood ng smallville.

bakit nga ba ako naadik ng sobra diyan? well for one, i really like the actors. napaka-natural nila umarte. lalo na si lex luthor. gusto ko yung role nya, at kung pano siya iportray ng artista. malupet. isa pa, CRUSH KO SI LANA LANG. hehe. nakakaadik ang mukha nya pramis. kaso sa season 4 may bago siya boyfriend eh. nasa paris na kasi siya... awwww... basta! supra astig ng smallville!

tapos 1 time, dati pa, naisipan ko ulit mag-back track ng smallville, inumpisahan ko sa ep1 season1 ulit, nakakagulat ang pinagkaiba. una sa visual effects. i have to admit, compared sa mga latest episodes na napanood ko na, nakakagulat kasi medyo bano pa ang effects ng mga unang episode. one more difference i've noted is that payat na payat si clark kent ng mga unang episode compared sa pinakarecent. ang laki na ng katawan nya eh. siguro nirerequire siya na mag-gym araw araw para bumagay sa kanya yung role na superman. hehe. ang laki ng pinagbago sa katawan. wala lang.

sa mga hindi nanonood ng smallville dyan, panget kayo! de joke lang! hehe. i recommend smallville to the people out there, especially to those fans of superman! get to see him when he was still in high school. hehe. nga lang, hindi masyado kapani paniwala, kasi ang tatanda na ng mga itsura nila pero high school pa lang sila! hehe. pero, to hell with it! all i know is ASTIG ANG SMALLVILLE!

hehe... ang kasalukuyan kong ginagawa ngayon ay nag-iinstall ng need for speed underground 2 ngayon. at ang BAGAL nya mag-install. kahit mabilis naman yung pc namin. nagsimula ako magsulat dito sa blog nasa 40-something % na siya. 47 na ata. ngayon 80% palang. and uhm, 20? maybe 30, minutes have passed. bagal no? pero sigurado naman maganda yung game na to eh! hehe. yung 1 pa lang maganda na eh. huli na nga ako sa pag-install nito eh. pano, recently ko lang natapos yung 1. wala lang. gamer lang talaga ako. adik! hehe. buhay ko to ngayong bakasyon eh. games keep me alive during vacation. siyempre along with the usual biking, jogging, and arnis while i'm off the computer. hehe...

anyways. ill do other stuff while waiting for NFS2 to finish installing. bukas na lang ulit mga bloggers! god bless and god speed!

macky traveled on - 11:04 PM
Comments (0)


the traveller


Name: Macky Agarrado
Walked since: 12th May 1988
Walked with Jesus since:
18th Apr 2005
Walks in: Los Banos, Laguna

tagboard


past roads

[x]April 2005
[x]May 2005
[x]July 2005
[x]September 2005
[x]October 2005
[x]February 2006
[x]March 2006
[x]April 2006
[x]May 2006
[x]June 2006
[x]July 2006
[x]August 2006
[x]September 2006
[x]October 2006
[x]November 2006
[x]December 2006
[x]January 2007
[x]February 2007
[x]March 2007
[x]May 2007
[x]June 2007
[x]July 2007
[x]August 2007
[x]September 2007
[x]October 2007
[x]November 2007
[x]December 2007

other paths

ate punky
aei
drew
isay
jef
leo
mikka
paransis
poy
kuya chard

credits

design by chris
cbox
blogger
blogskins
freeweblogger